BACOLOD CITY – Nananawagan na ang Batangas Provincial Social Welfare and Development Office sa mga hindi apektado nang pagsabog ng bulkang Taal na mag-donate ng breastmilk para sa mga sanggol sa mga evacuation centers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Batangas PSWD officer Emy Salcedo, sinabi nitong mayroong 541 pamilya na pansamantalang nananatili sa Batangas Provincial Sports Coliseum, kung saan mayroong siyam na mga nanay ang nangangailangan aniya ng donasyon na breast milk para sa kanilang sanggol na anak.
Sinabi ni Salcedo na tumatanggap din sila ng formula milk at feeding bottles.
Nabatid na galing sa bayan ng Agoncillo, Taal, Lemery at San Nicolas ang mga evacuees sa provincial sports coliseum.
Samantala, ang iba naman ay nasa Batangas State University at Dream Zone sa capitol site.