-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Salome Jonson, ina ng Davao artist na si Bree Jonson na tiyak umanong bubuhos ang kanyang emosyon bukas kung saan nakatakdang ilibing ang kanyang anak sa Davao Memorial Park.

Ayon kay Salome na hanggang ngayon ay hindi pa niya matanggap ang sinapit ng kanyang anak na huli niyang naka-usap noong nakaraang Setyembre 12 nitong taon.

Sinabi rin nito na huling nagkita sila ni Bree noong taong 2018 ngunit nataggalan ang kanyang pag-uwi dahil na rin sa Covid-19 pandemic.

Umaasa si Salome na agad niyang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak lalo na at nangako umano si Pangulong Rodrigo Duterte na mananagot ang nasa likod ng krimen.

Dagdag pa nito na kung hindi man mapanagot si Julian Ongpin sa pagkamatay ng kanyang anak, umaasa itong makukulong pa rin ito dahil sa pagkakasangkot illegal na druga.

Nabatid na hindi umano alam ni Salome na magka-relasyon si Julian at anak na si Bree at nalaman lang niya ito matapos ang nasabing krimen.