Tinalo ng ilang mambabatas si British Prime Minister Boris Johnson sa unang hakbang nito na ipasa ang batas na idinisenyo upang maiwasan ang no-deal Brexit.
Sa boto na 328-301, nanalo ang 21 miyembro ng Conservative members of the parliament kung saan ibig sabihin lamang nito ay maaari silang gumawa ng panukala na aantala sa tuluyang pagkalas ng United Kingdom sa European Union.
Tatlong taon na simula nang maipasa ang referendum kung saan tuluyan nang aalisin ang Britanya mula sa EU na naging dahilan ng patuloy na umiinit na debate sa pagitan ng mga sumusuporta at tumataliwas sa ideyang ito.
Mabilis namang nanawagan si Johnson ng isang general election upang hayaan sa mamamayan ang desisyon kung dapat nga bang alisin sa saklaw ng European Union ang kanilang bansa.