-- Advertisements --
Aprubado na ng British Parliament ang Brexit deal.
Nakakuha ng 330 na boto kontra sa 231 kumontra sa nasabing Brexit.
Dahil dito ay magiging kauna-unahang bansa ang United Kingdom na umalis sa European Union.
Pinalakpakan ng mga nasa House of Commons ng tuluyan ng iratipika ni Prime Minister Boris Johnson ang nasabing divorce deal sa Brussels.
Tiniyak naman ng tagapagsalita ni Johnson na sila ay aalis sa EU pagdating ng Enero 31.