Nagbitiw na sa pwesto ang kapatid ni British Prime Minister Boris Johnson na si John Johnson bilang junior minister at mambabatas ng UK dahil sa umano’y “conflict” sa pagitan ng family loyalty at national interest.
Ang desisyong ito ng nakababatang Johnson ay ilang araw lamang matapos sibakin sa pwesto ng kaniyang kapatid ang 21 miyembro ng Conservative party dahil sa bigong pagsuporta ng mga ito sa Brexit.
Una nang nagpahayag ang 47-anyos na mambabatas sa kaniyang pagnanais para sa ikalawang referendum kung dapat bang kumalas ang United Kingdom mula sa European Union ngunit tinanggap naman nito ang tungkulin bilang junior minister sa larangan ng negosyo at edukasyon nang maging ganap na prime minister ang kaniyang nakatatandang kapatid.
“It’s been an honor to represent Orpington for 9 years & to serve as a minister under three PMs (Prime Ministers),” saad ni Jo Johnson
“In recent weeks I’ve been torn between family loyalty and the national interest – it’s an unresolvable tension & time for others to take on my roles as MP (Member of Parliament) & Minister,”
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung tuluyan na itong magbibitiw bilang miyembro ng parliamento o hindi lamang nito suportado ang isa pang general election.