Wala pa ring solidong napagkasunduan ang mga mambabatas sa United Kingdom para sa Brexit alternatives.
Sa apat na options na iprinisenta ay hindi nakakuha ng sapat na boto ang mga ito.
Nangangahulugan na magsasagawa muli ang mga Members of Parliament ng botohan sa Miyerules para sa tatlong natitirang options sa kabuuan na pitong Brexit alternatives.
Maraming mga mambabatas ang nalungkot at binatikos ang kanilang mga kasama dahil sa hindi pag-sang-ayon sa anumang options.
Ilan sa mga options na iprenisenta ay ang motion na hindi payagan ang UK na umalis sa European Union (UK) ng walang deal, kabilang na ang pagpigil sa Brexit at ang pagsali nila sa European Free Trade Association and European Economic Area.
Magsasagawa muli ng Cabinet meeting si British Prime Minister Theresa May para tangkain na muling dalhin sa House of Commons sa ikaapat na pagkakataon ang isinusulong nitong Brexit deal.