-- Advertisements --

Kinumpirma ng United Kingdom government na magpapatuloy ang pakikipag-usap nito sa Labour Party upang tuluyan nang matuldukan ang usapin sa Brexit.

Ito ay matapos na hindi tanggapin ng tatlong beses ang Brexit deal na inihain ni UK Prime Minister Theresa May.

Una na rito ay nakipagkita na si May kay Labour leader Jeremy Corbyn upang iupahatid ang determinasyon niya na magkaroon na ng konklusyon sa tuluyang paglisan ng kanyang bansa sa European Union.

Ayon sa spokesman ni May, handa umano ang prime minister na ipatupad ang “Withdrawal Agreement Bill” sa unang linggo ng Hunyo.

Kung saan papayagan ang mga ministers na magbayad ng “divorce payments” European Union at upang magbigay daan din sa back stop plan para sa Irish border.

Sumang-ayon naman dito si Brexit Secretary Steve Barclay at sinabing kailangan na ngang bigyang linaw ni May na may hangganan ang nasabing usapin.

“It is now time for Parliament to make a decision, reflecting the manifestos of both the Conservative and Labour parties at the last general election and to deliver Brexit in the way that the public were promised,” ani Barclay.