Nanindigan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na tutol sila sa panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 2020.
Ayon kay Namfrel Secretary General Eric Alvia, hindi raw maaaring i-postpone ang halalan dahil lamang sa mabababaw na mga rason.
“You should not postpone elections just by a whim or any simple excuse. In fact, it has to be a very grave reason to postpone it,” wika ni Alvia.
“They now find it very easy to look for reasons or excuses to postpone the barangay and SK elections,” dagdag nito.
Giit ni Alvia, sang-ayon sa batas ay ang Commission on Elections (Comelec) ang dapat na nagrerekomenda sa postponement.
Matatandaang lusot na sa Kamara ang panukalang nag-uusog sa Barangay at SK elections sa Disyembre 2022.
Habang sa Senado naman ay naaprubahan sa huling pagbasa ang kahalintulad na bill noong Setyembre.