-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang barangay captain at backrider nito matapos masagi ng isang tricycle ang isang motorsiko sa National Road, Brgy. Biong, Cabusao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Danilo Temajo, 57, at ang backrider nito na si Gil Sta Ana, kapwa residente ng Brgy. San Pedro sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ni Temajo ang kahabaan ng naturang kalsada ng masagi ito ng kasalubong na tricyle na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na dahil sa naturang insidente nawalan ng kontrol ang motorsiklo at tukuyang natumba sa sementadong kalsad.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’at-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Samantala, agad namang nakatakas ang driver ng nasabing tricycle sakay ng minamanehong behikulo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng pagkakakilanlan ng naturang suspek.