-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sinampahan ng reklamo ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG (CIDG)-Capiz sa provincial prosecutors office ang punong barangay ng Brgy. Lanipga, Panay, Capiz hinggil sa kinasasangkutang anomalya sa distribusyon ng social amelioration program (SAP) sa naturang bayan.

Batay sa ipinalabas na ulat ng CIDG Region 6 nilabag ni Kapitan Marilyn Blanco ang R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos inireklamo ito ng apat na complainants na dumulog sa tanggapan ng CIDG.

Una nang inireklamo sa Bombo Radyo si Blanco matapos bawasan ng P2,000 ang mga nakuhang cash assistance na P6,000 ng mga SAP beneficiaries, upang ibigay sa ibang households na hindi nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.