VIGAN CITY – Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang isang barangay chairman sa Ilocos Sur.
Ito ay matapos na makakuha ang mga otoridad sa loob ng bahay ng suspek na si Casiber, Santa Barangay Chairman Rene Barrientos, 45, ng mga bala ng iba’t ibang klase ng baril.
Ilan sa mga nakuha sa bahay ni Barrientos ay isang short magazine na mayroong walong bala para sa M16 rifle, isang short magazine na mayroong 21 bala para sa M16 rifle, 16 ammunition ng caliber .45, dalawang fired cartridge ng caliber .38, isang bala ng nasabing kalibre ng baril at isa pang green belt bag na mayroong dalawang bala ng M16 rifle.
Ayon kay Maj. Rodel Del Castillo, hepe ng Santa municipal police station, mayroon silang mga nakuhang report na sangkot umano ang suspek sa indiscriminate firing sa kanilang lugar kaya kumuha sila ng search warrant sa korte.
Sa ngayon, nasa kustodiya pa siya sa Santa municipal police station ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento na kailangan para sa kasong isasampa laban sa kaniya.