(Update) CENTRAL MINDANAO – Nanguna si Sultan Kudarat, Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura at Sultan Kudarat chief of police Major Julhamin Asdani sa paghuli sa isang opisyal ng barangay na nagbebenta ng quarantine pass.
Ang barangay kapitan ay hindi muna pinangalanan ni Mayor Mastura.
Mismong si Mayor Mastura ang nakatanggap ng impormasyon na nagbebenta ng quarantine pass ang barangay chairman kaya agad niya itong tinungo at inaresto.
Naniningil umano si Kapitan ng tig-P50 bawat isa bago nila makukuha ang kanilang quarantine pass mula sa barangay.
Sinabi ng alkalde na walang puwang sa bayan ng Sultan Kudarat ang kagaya ni kapitan at kailangang managot ito sa batas.
Pursigido si Mayor Mastura na sampahan ng kaso si Kapitan upang hindi na umano ito pamarisan.
Ang pinaka-ayaw daw ng alkalde ay ang pagsamantalahan ang mga mahihirap na pamilya na ngayon ay namomoblema dahil nawalan sila ng hanapbuhay dahil sa corona virus disease.
Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng Sultan Kudarat PNP ang suspek at ngayong araw ay sasampahan ng kaukulang kaso