-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hinigpitan pa ng Barangay Council ng Brgy Poblacion 6 Midsayap North Cotabato ang kampanya kontra Coronavirus Disease (Covid-19).

Ito ang tiniyak ni Barangay Poblacion 6 Brgy Chairman Eduard Maganoy Delfin.

Nang magpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang probinsya ng Cotabato nanguna agad si Kapitan Delfin sa Disinfection sa kanyang Barangay,paggamit ng facemask,social distancing,paghuhugas ng kamay at ibang alituntunin na umiiral sa dineklarang national public health emergency.

Hinigpitan rin ng BLGU-Pob 6 sa bayan ng Midsayap ang pagmamanman sa mga OFW at mga residente ng galing sa ibang lugar na marami ang nagpositibo sa Covid 19.

Kilalang negosyante si Delfin ngunit nagagampanan parin nya ng maayos ang trabaho sa kanyang nasasakupan sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa Barangay Council.

Marami ang nagmungkahi na isali sa model barangay ang Brgy Poblacion 6 sa bayan ng Midsayap ngunit sagot ni Delfin marami pa itong dadaanan na proseso bago maabot ang naturang usapin.

Hangad ni Kapitan Delfin ang pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran tungo sa mapayapang pamayanan.