-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Rido o away pamilya ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa nangyaring pagsabog sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya na ginulantang ng pagsabog ng 40 mm high explosive ng M79 grenade launcher ang bahay ni Tecson Mangansakan sa Barangay Lower Dungoan M’lang Cotabato.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ni Mangansakan at mga residente ng Brgy Dungoan.
Agad na nagresponde ang mga pulis at sundalo kaya tumakas ang mga suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa naturang pangyayari.