DIPOLOG CITY – Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad matapos ang nangyaring pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad at kasamang tanod sa Purok 1, Brgy. Pictoran, Sominot, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Kagawad Donald Monto, 41-anyos, at barangay tanod Antonio Malin.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinasok umano ng mga hindi pa kilalang suspek na armado ng .45-caliber pistol at M16 na baril ang pamamahay ng naturang kagawad at pinagbabaril ang dalawa.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.
Agad umanong tumakas ang mga suspek sakay sa tatlong motorsiklo matapos ang insidente.
Habang narekober naman mula sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng .45-caliber.