-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril sa isang elected barangay official sa Barangay Cañelas, San Fernando, Masbate.
Kinilala ang biktima na si Barangay Kagawad Erna Cabiles na residente ng naturang lugar.
Base sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, mismong ang asawa ng biktima na si Roberto Cabiles ang pumunta sa tanggapan ng pulisya upang i-report ang pamamaril sa biktima.
Nabatid na magtutungo sana si Erna sa ilog sa kanilang barangay kasama ang apo nang lapitan at barilin ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Sa ngayon, palaisipan pa rin sa pulisya kung ano ang posibleng motibo sa insidente at kung sino ang gumawa nito.