-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Dinakip ang isang barangay official matapos umano itong magbenta ng iligal na droga sa Southern Poblacion, Baliangao, Misamis Occidental.

Kinilala ang suspek na si Rosell Rodulph Yap Tan, 35, barangay kagawad sa naturang lugar.

Sinabi ni Baliangao Municipal Police Station Commander PCpt. Pidta Comonog na nakuha sa posisyon ng suspek ang pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P18,000.

Ayon kay Comonog, kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kanilang isasampang kaso sa lunes laban sa nahuling opisyal.