DAVAO CITY – Arestado ang isang barangay kagawad dahil sa mga kasong illegal drugs at illegal possession of firearms.
Kinilala ang suspect na si Roque Bernardino Bosque III, alyas Bikong, 36 na taong gulang, may asawa, residente ng Purok 10, Barangay Bunawan Lungsod ng Dabaw at incumbent barangay kagawad ng Brgy Bunawan, nitong lungsod.
Sa bisa ng mga search warrants na inilabas ni RTC Executive Judge Emmanuel Carpio, inilunsad ng mga tauhan ng Davao City Police Office ang joint operation sa Kilometer 23, Purok 10, Barangay Bunawan kung saan nasamsam mula sa posisyon ng barangay kagawad ang maraming mga druga at mga armas.
Ang mga ebidensiya ay kinabibilangan ng limang malalaking sachet ng shabu, mga shabu paraphernalla, isang .45 caliber pistol at pitong bala nito, isang .22 rifle with scope at apat na mga bala nito, at isang dilapidated Hand grenade.
Inihayag ni Davao City Police Office (DCPO) Director Kirby John Kraft, may natanggap din silang reklamo na sangkot rin si kagawad Bosque sa anomalilya sa distribution ng ayuda ng Social Amelioration Program (SAP).