-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang opisyal ng barangay sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Buagas Meto alyas Datu Bogie at barangay kagawad ng Barangay Kakar, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ambush datu odin Maguindanao

Ayon kay Datu Odin Sinsuat chief of police Major Rommel Dela Vega, habang lulan ang biktima sa kanyang minamanehong DT Yamaha ng motorsiklo na may plakang YD-5889 sa bahagi ng Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay bigla itong tinambangan ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola at 9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay rin ng dalawang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pananambang sa biktima na patuloy ngayong iniimbestigahan.