-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng pulisya sa bayan ng San Luis, Agusan del Sur ang wanted na barangay kagawad dahil sa kasong rape matapos mahuli dakong ala-1:30 kahapon ng hapon sa naturang bayan.

Nakilala ang suspek na si Arturo Senadero, 43-anyos, may asawa, residente ng Purok 3, Barangay Culi na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong rape.

Hindi na umalma pa ang suspek matapos hulihin ng pinagsanib na pwersa ng San Luis Municipal Police Station at ng 26th Infantry Battalion, Philippine Army.

Ang kasong rape ay nasa sala ni Judge Lou Nueva, Acting Executive Judge ng 10th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 7 na nakabase sa Bayugan City, Agusan del Sur na ipinalabas nito pang Abril 10.