-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nagyaring pananambang na nagresulta sa pagkasawi sa isang barangay councilor sa Sinaysayan, Kitaotao, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Rene Boy Jagunos, 52, kagawad at residente sa West Dalurong sa naturang bayan.

Sinabi ni Kitaotao Municipal Police Station commander PCpt. Jose Regner Sevilleno, papunta sana sa barangay hall ang biktima nang biglang harangin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek at biglang binaril.

Ayon kay Sevilleno, nagtamo ng limang tama sa katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.