GENERAL SANTOS CITY- Patay ang Barangay Peace and order chairman habang sugatan ang isang BPAT member ng pinababaril ng apat na armadong lalaki.
Kinilala ni Police Capt. Rommel Hitalia deputy Chief of Police ang biktima na sina Aliman Boyong Macabangin Jr at BPAT member Romeo Gasparin.
Basi sa imbestigasyon nasa post number 2 sa Koronadal Proper, Polomolok ang mga biktima ng biglang dumating ang mga suspek na lulan sa dalawang motor at pinagbabaril gamit ang M16 rifle.
Dahil sa dami ng tama kaagad namatay si Macabangin habang dinala sa pagamutan si Gasparin .
Nalaman na nakasama ng mga biktima ang iilang myembro ng Pulisya ng Polomolok subalit ng umalis ang mga Pulis biglang dumating ang mga suspek.
Rido at land conflict ang tininingnan motibo sa pamamaril nitong Martes ng umaga.