-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang barangay kagawad dahil sa natamong mga sugat sa kanyang tiyan matapos saksakin habang rumesponde sa kaguluhan sa kanilang barangay.

Kinilala ang biktima na si Danilo Ampong Calinawan, 64, residente ng Central 2, Brgy. Binugao, Toril District, lungsod ng Davao.

Inihayag ni PMaj. Jason Baria, hepe ng Toril Police Station, rumesponde si Calinawan sa kaguluhan sa naturang lugar, pero kaagad itong sinaksak ng dalawang beses ng suspek na si Rolando Abellana Herman, 37.

Sa kabila ng natamong mga sugat sa kanyang tiyan, nagawa pa ng biktima na bumunot ng kanyang baril at pinaputukan ang suspect na tinamaan naman sa kanyang katawan.

Sabay na dinala sa Southern Philippines Medical Center ang biktima at ang suspect na parehong nasa kritikal na kondisyon, pero dahil umano sa grabeng mga sugat sa kanyang tyan, nalagutan ng hininga si Calinawan

Ang suspek namang si Herman ang nanatili pa rin sa kritikal na kondisyon sa loob ng naturang bahay pagamutan.