-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa agaw-buhay na kalagayan ang isang barangay kagawad mula Lungsod ng Naga matapos barilin ng riding-in-tandem sa Makati City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pol. C/Insp. Gideon Ines, deputy chief ng Makati-Philippine National Police (PNP), sinabi nito na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo, leeg at braso ang biktimang si Fortune Imperial na nanana sa St. Claire Hospital.

Napag-alaman na pauwi sa Parañaque ang biktima lulan ng isang kotse galing Pasay kasama ang kaibigan nito ng tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Finlandia St. sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, tanging si Imperial lamang ang target ng pamamaril dahil hindi namanidinamay ng mga suspek ang kasama nito.

Samantala, ikinokonsidera ng PNP sa imbestigasyon ang pagkakasangkot ng kagawad sa droga.

Ayon umano sa kaibigan nito, pumuntang Parañaque ang biktima dahil sa takot dahil may palaging sumusunod dito matapos na mahuli sa drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Si Imperial ay incumbent kagawad ng Barangay Tinago sa Naga na nahuli sa isinagawang raid ng pulisya noong Nobyembre at nasampahan ng kaso ngunit nadismiss.