TACLOBAN CITY — Arestado sa buybust operation ang isang barangay chairman matapos daw nitong bentahan ng hinihinalang ilegal na droga ang isang pulis na nagpakilalang poseur buyer sa bayan ng Abuyog, Leyte.
Ayon sa Leyte Police Provincial Office, ang nadakip na suspek ay kinilala na si Beinvinido Tijano Lozada Jr., 43 anyos, kapitan ng barangay Bahay sa Abuyog, Leyte.
Ayon kay Pol. Maj. Margarito Salaño, tagapasalita ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), ang naturang barangay official ang nangunguna sa kanilang listahan na nasa drug watch list at matagal na nila itong minamanmanan
Nakuha sa posisyon ng suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may estimated market value na PHP5,000, isang cellphone at PHP1,000 na ginamit bilang buybust money.
Sa ngayon ay nahaharap ito sa kasong paglabaga sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.