-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isa sa mga suspek na namaril sa isang opisyal ng Barangay sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Durex Kasim na siyang brgy chairman ng Barangay Muslim, Guindulungan, Maguindanao.

Ayon kay Guindulungan chief of police, Maj. Maximino Gerodias na habang nagpapa-carwash si Kasim sa Brgy Tambunan 2 sa bayan ng Guindulungan ay bigla na lamang dumating ang dalawang hindi nakilalang suspek na lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistola.

Nakailag si Kapitan Kasim at daplis lang ang tama kaya gumanti ito sa mga suspek.

Nahulog ang angkas na suspek nang masapol ito sa ulo at natumba ang motorsiklo kaya kumaripas ng takbo ang driver.

Agad namang naisugod sa pagamutan si Kapitan Kasim at nasa ligtas ng kalagayan.

Bago ito noong nakalipas na araw patay din sa pananambang si Guindulungan Municipal Councilor Morsid Midtimbang Lauban habang sugatan ang kanyang dalawang kamag-anak.

Hanggang ngayon ay hindi pa kilala ang nasawing suspek.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao sa nangyaring pamamaril.