-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mismong ang punong barangay ng Apokon, Tagum City, ang nag-anunsyo na base sa inisyal na resulta mula sa Southern Philippines Medical Center ay nagpositibo siya sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Pero ayon kay Kapitan Bryan Kim Samuel Lee Angoy, kailangan pa ipadala ang naturang initial result ng kanyang lab test sa Manila Research Institute for Tropical Medicine para sa kumpirmasyon.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi muna nagpalabas ang local Department of Health (DOH) ng pahayag.

Nagbigay ng kanyang status si Angoy matapos na pumunta ito sa sabongan sa Matina Galleria sa Lungsod ng Davao kung saan ilan na sa mga “person under investigation” doon ay pumanaw na.

Dito na pinuyahan ng DOH ang mga nagtungo sa sabungan noong Marso 6 hanggang 13 na sumailalim sa quarantine.

Una na ring sumailalim si Angoy sa self quarantine matapos una itong dumalo sa Philippine Councilors League event sa Maynila noong Pebrero.

Sinasabing nilagnat ang barangay kapitan nitong Marso 26 kaya nagpa-confine agad ito sa Davao Medical Center.

Muli namang humingi ng paumanhin si Angol dahil hindi raw niya inasahan na madapuan siya ng COVID-19.