(Update) DAVAO CITY – Kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 10591 illegal possession of firerarms and ammunitions gayundin sa gun ban ng Commission on Elections ang limang kalalalakihan na nahuli sa border checkpoint ng Km. 80 sa Barangay Kibalagon Sulop, Davao del Sur kagabi.
Kinilala ni Major Jessie Dellosa, hepe ng Sulop Police Station, ang mga nadakip na sina Kapitan Roger Neri ng Barangay Lapu-Lapu, 58, isang retired army soldier; Luis Duterte; Willy Alconera, 43; Reynaldo Malayang, 41; at Ramon Paras, 63.
Nakumpiska mula sa kanilang sinasakyang pick-up ang isang M16 rifle, dalawang homemade shotgun, at apat na .45 kalibre na pistola, kabilang na ang maraming bala kung saan wala silang naipakitang mga dokumento.
Nabawi rin mula sa mga suspek ang campaign ballers na pagmamay-ari ng isang kandidato.
Hindi pa naman nakapagpalabas ng pahayag ang mga naarestong suspeks.