-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang punong barangay sa Bangued, Abra, matapos saksakin ng limang suspek kagabi.

Nakilala ang biktima na si Claudio Barbadillo Bobias, 56-anyos na kapitan ng Barangay Lingtan, Bangued, Abra.

Batay sa imbestigasyon ng Abra Police, umiinom ng alak ang biktima sa isang tindahan nang bigla itong sugurin ng limang suspek na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Nagsasagawa na ang mga pulis ng manhunt operation laban sa mga suspek at tinutukoy ang motibo sa krimen.

Noong nakaraang linggo lang nang nakalabas ng kulungan si Bobias matapos makapagpiyansa dahil sa kasong pagpatay nila ng anak niya sa pinsan ng isa sa mga suspek.

Ito’y sa pamamagitan ng sa pagbaril sa kanya habang nakikibantay sa quarantine checkpoint ng kanilang barangay noong March 25 ngayon taon.

Ayon sa pulisya, paghihiganti ang motibo ng kapitan at anak nito.