-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ang mga kasong isasampa laban sa kapitan ng Brgy. Lipata, Surigao City matapos ang matagumpay na pagsi-serve ng search warrant na ipinalabas ni Judge Dante Corminal, presiding judge ang 5th Municipal Circuit Trial Court (MCTC) na nakabase sa mga bayan ng Tubod at Alegria, Surigao del Norte.

Pasado alas-5:30 kahapon ng hapon nang ginalugad ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Caraga, kasama ang mga tauhan ng Drug Enforcement Units ng Surigao City Police Station, Agusan del Norte Police Provincial Unit at ng 1st Provincial Mobile Force Company ang tahanan ni Kapitan Loel Joy Mesias, 49-anyos, residente ng Purok 1 ng nasabing barangay.

Nakuha sa naturang operasyon ang 10 sachetsng anim na gramo ng pinaghihinalaang shabu na inilagay sa isang sling bag at tinatayang nagkajahalaga ng P70,800, isang kalibre .38 na revolver na may anim na mga bala kasama na ang kanyang cellphone at Department of Interior and Local Government (DILG) ID.

Mga kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o illegal possession of firearms ang mga kasong kanyang kakaharapin.

Inihayag naman ng kapitan na na-shock siya at ng kanyang pamilya sa pangyayari.

Pero sa kabila nito, sinabi naman ng kapitan na sa korte na niya didipensahan ang kanyang sarili.