-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pautoy pang inimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur ang pagbaril-patay sa kapitan ng Brgy. Padiay pasado alas-6:30 kagabi.

Nakilala ang biktiman na si Kapitan Elver Pabiano Salva na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Ampayon sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Captain Charlie Quidiam, hepe ng Sibagat Municipal Police Station, mula umano ang biktima sa dinaluhang pulong ng mga punong barangay sa Purok 8, Brgy. Poblaciin nang ito ay pagbabarilin ng hindi kilalang suspeks.

Dinala pa ito sa ospital sa lungsod ng Butuan ngunit namatay din.

Kasama na rito ang posibleng paglikida umano sa kanya ng New People’s Army (NPA) dahil aktibo raw ito sa anti-insurgency campaign ng gobyerno.

Narekober sa crime scene ang mga basiyo sa kalibre .45 na pistola.