-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Patay ang isang barangay kapitan nang barilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa Barangay Doña Ramona, Isabela City, Basilan.

Kinilala ang biktima na si Jimnu Lagja Hamad, barangay chairman ng Marang– marang, Isabela City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alamang pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng mga suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Hamad na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa posibleng pagkakaaresto ng mga suspek na agad tumakas matapos ang krimen