CAGAYAN DE ORO CITY – Napasugod sa himpilang ng Bombo Radyo ang aktibong barangay kapitana upang magbigay linaw ukol sa alegasyon na mayroong itong lihim na relasyon sa kanyang kasamang opisyal sa Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos humingi ng tulong ang hindi muna pinangalanan na maybahay ni Barangay Kagawad Renejen Babia sa pulisya para aktuwal na Nahuli kasama si Indahag Brgy Kapitana Jocelyn Dahino habang nasa loob umano ng isang lodging house sa Barangay Kauswagan sa siyudad.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Carmen Police Station commander Maj. Peter Tajor na tanging naabutan nila sa KingsField Inn ay si Babia kaya nadala sa himpilan habang si Dahino ay mabilis umanoNG nakalipat ng sasakyan upang makaiwas na maaresto.
Inihayag ni Tajor na batay sa kuha umano na video footages ni Gng. Babia, kitang-kita nila ang dalawang opisyal na magkasama sa loob ng lodging house kaya tumawag ito ng pulis para ipaaresto.
Bagamat mariing itinanggi ni Renejen na mayroong silang relasyon ng kapitana sila naman daw magkaibigan lamang umano sila.
Samantala, todo-paliwanag naman sa Bombo Radyo sa Dahino at mariing pinabulaanan ang akusasyon na may lihim silang relasyon ni Babia sa matagal ng panahon.
Igiinit ng opisyal na hindi totoo na magkasama sila ni Babia sa lodging house dahil abalang-abala umano ito ng trabaho sa buong araw kahapon.
Dagdag pa nito, kailanman ay hindi umano sila magkakaroon ng relasyon dahil magkaibang kulay sila ng politika ng kasamahang barangay kagawad.
Itinanggi rin ni Dahino na walang rason upang mapadaan siya sa isang lodging house dahil punong-puno ang kanyang working schedule kasama ang ilang katrabaho sa barangay.
Inamin naman ng opisyal na nagdulot ng malaking kahihiyan para sa kanyang pamilya ang akusasyon kaya una itong dumulog sa programang “Zonalibre” ng Bombo Radyo CdeO para ilahad ang kanyang sa loobin.