-- Advertisements --

CEBU CITY – Nadagdagan na naman ng 40 na panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Cebu City.

Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella nakapagtala ng 22 bagong kaso ang Barangay Luz kung saan 13 nito ay nagmula sa Sitio Sto. Niño, walo sa San Vicente at isa sa Sitio Lubi.

Naitala naman sa Brgy. Suba ang 12 kaso ng nasabing virus, tatlo sa Sitio Calumpang Inayawan, tig-iisa sa Sitio Pailob, Sambag 2, Sitio Ponce, Capitol at sa Cebu City Jail.

Inilabas ang resulta matapos ang isinasagawang mass testing at mga barangay cluster clinics.

Ililipat naman ang mga nagpositibong pasyente sa kani-kanilang barangay isolation centers.

Habang patuloy naman ang isinasagawang contact tracing, testing at confinement protocols sa mga apektadong barangay.