Kaagad na nagpatawag ng emergency meeting ngayong araw ang pamunuan ng Brgy. Matandang Balara, QC bilang tugon sa pagdami ng kaso ng Dengue sa lugar.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga kinakailangang hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng Dengue cases sa naturang barangay.
Nanguna sa pagpupulong si Brgy. Chairperson Allan Franza .
Pinag-usapan din sa meeting ang posibleng paggamit ng palaka para mapuksa ang mga lamok.
Kung maaalala, ginawa na noong 2019 ang naturang estratehiya kung saan pinakawalan ang mga palaka sa mga kanal at estero.
Sa kabila nito ay walang matibay na patunay na ito ay naging epektibo sa panahon ng pagpapatupad nito.
Kabilang ang Brgy. Matandang Balara sa mga barangay sa lungsod na may mataas na kaso ng Dengue.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang anti-dengue misting at spraying ng lokal na pamahalaan ng Quezon.