KORONADAL CITY- Panawagan sa ngayon ng mga investors ng panibagong investment scam sa lungsod Tacurong na ibalik na ang kanilang ininvest na pera.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Alyas Isko, isa sa investors ng NMC Investment Scam, naibenta na umano nito ang kanyang alagang kalabaw sa pag-asang makakakuha ng malaking payout.
Ayon kay Alyas Isko, pasimuno umano ng nasabing investment scam ang ilang opisyal sa Brgy Rajah Muda, sa nasabing bayan kung saan modus umano nito ang pangakong 400% na interes kada buwan.
Kabilang umano sina Brgy Rajamoda Kapitan Brgy Doray Bauya, former Brgy Captain William Boy French at ang founder na si Pastor Allan Dinapil sa nagpapatakbo ng nasabing investment scam.
Ibinunyag din nito na halos lahat sa mga residente sa kanilang barangay ang naloko ng nasabing investment scam kung saan milyon-limyong pera umano ang nakulimbat ng mga nagpakilalang founders.
Posible din umanong, nakapangbiktima ang mga ito sa karatig bayan at probinsya.
Sa ngayon, hindi pa rin umano sila nakakatanggap ng pay-out at makailang bes na ring pinangakuang ibabalik ang kanilang ininvest na pera.
Kung tuluyan umanong hindi maibabalik ang kanilang pera, desidido ang mga ito na magsampa ng kaso.