-- Advertisements --
NAGA CITY – Sugatan ang isang brgy. official matapos itong barilin sa Tiaong, Quezon province.
Kinilala itong si Ildefonso De Vero, 55, ng naturang barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na pauwi na si De Vero ng mula sa bahay ng kaniyang kaibigan ng bigla na lamang lumitaw ang suspek at pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Agad naman tumakas ang suspek na dala-dala armas na ginamit sa biktima.
Sa ngayon nagpapagaling na ang biktima habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang motibo sa pangyayari at matukoy ang pagkakilalanlan ng suspek.