-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Idinepensa ng alkalde ng Manolo Fortich, Bukidnon ang agarang pagsasailalim sa lockdown sa loob ng dalawang araw sa isang barangay sa lugar.

Sinabi ni Mayor Clyde Quiño, ginawa niya ang naturang hakbang upang mapadali ang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng 45-anyos na health worker sa naturang lugar.

Nadiskubreng asymptomatic ang pasyente ng malamang nagpositibo ito sa nasabing virus.

Aniya, nalipat na ang pasyente sa provincial district hospital ng Bukidnon para sa karagdagang medikasyon.