-- Advertisements --

BOMBO BUTUAN – Nakatakdang isailalim sa state of calamity ang isang barangay sa Bislig City, Surigao del Sur kasunod ng malaking sunog kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mayor Librado Navarro patuloy ang pagkokolekta nila ng datos kung ilang pamilyang naapektuhan, gayundin ang danyos ng insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apot sa bahay ng pamilya Alngog dahil umano sa napabayaang sinaing.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa raw sa light materials ang mga bahay sa marketsite ng Brgy. Mangagoy.

Aabot sa siyam na truck ng bombero raw ang nagtulong-tulong na maapula ang apoy.

Isa ang nasawi sa insidente dahil umano sa atake sa puso.