CENTRAL MINDANAO- Isinailalim na sa partial lockdown ang Barangay Sudapin sa Kidapawan City matapos makapagtala ng isang 85-anyos na Positive COVID-19 case.
Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na ito ang naging rekomendasyon sa kaniya ng mga opisyales ng Brgy Sudapin, Barangay Health Response Team at ng City Epedimiology and Surveillance Unit.
Ani Evangelista, ang pagsasailalim ng Brgy. Sudapin sa partial lockdown ay bilang paghahanda ng Barangay Local Government Unit .
Muli namang nagpaalala si Evangelista sa mga residente ng barangay Sudapin lalong lalo sa mga vulnerable senior citizen, mga menor de edad at may mga dinaramdam na sakit na iwasan ang paglabas kung hindi naman importante upang maiwasan ang pagkahawa sa Covid 19.
Bago lang ay kinomperma ni Department of Health (DOH) na nagpositibo sa swab test ang senior citizen.
Nagpositibo rin sa Covid 19 ang 38 anyos na babae na may travel history sa Cebu at 20 anyos lalaki na nakasamuha ng isa pang nagpositibo sa nakakahawang sakit na kapwa taga North Cotabato.
Tiniyak naman ni Evangelista na mananatili parin sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lungsod ng Kidapawan.