(Update) LEGAZPI CITY — Kinikilala pa sa ngayon ng mga otoridad ang tatlong suspek na itiniturong nasa likod ng pamamaril sa punong barangay ng Barangay Paguihaman at dalawang barangay tanod sa bayan ng Uson, Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Masbate Police Provincial Office spokesperson P/Major Ariel Neri, inabangan ng mga suspek ang mga biktimang sina Punong Barangay Charlie Dranel-Verallo at mga tanod na sina Joseph Arellano at Junel Gumban.
Pauwi na sana ang mga ito nang pagbabarilin kung saan tinamaan sa kanang balikat si Gumban habang ligtas naman ang lagay ng dalawa.
Ayon kay Neri, tanging narekober sa crime scene ang isang pares ng tsinelas at sumbrero na tinitingnang pagmamay-ari ng mga suspek.
Dagdag pa ng opisyal ay hinihintay na lang sa ngayon ang ilalahad na testimonya ng mga ito.