-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang barangay tanod matapos na saksakin ng isang lalaki sa Sitio Libis Brgy Anoling, General Nakar, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Virgilio, 50-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na batay sa statement ng witness na si alyas Rubelio nagkaroon umano ng mainit na diskusyon sa pagitan ng biktima at suspek na si alyas Eduardo na nagresulta sa pag-aaway ng mga ito.

Kaugnay nito, sa gitna ng pag-aaway ng dalawa bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima.

Kaagad naman na tumakas si Eduardo matapos na isagawa ang nasabing insidente habang kaagad naman na dinala sa ospital si Virgilio.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang paghahanap sa tumakas na suspek habang nagpapagaling naman sa ospital ang biktima.