-- Advertisements --

DAGUPAN CITY- May natatanggap na umanong pagbabanta sa buhay ang pinaslang na isang dating barangay kagawad at incumbent barangay treasure ng Brgy Bued sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa anak ng biktimang si Lauro Parajas, 63 anyos sinabi sa kanila ng kaniyang ama na mayroon umano itong pagbabanta sa buhay kayat hindi muna nila ito pinalalabas ng bahay.

Sa katunayan aniya ay hindi nila alam na lumabas ito para magpakain ng manok na araw- araw nitong ginagawa.

Sa katunayan ayon sa anak nito, nakatakda na sanang magpablotter ang kaniyang ama nhinggil sa natatanggap nitong banta sa buhay ngunit naunahan na ito ng mga suspek matapos itong pagbabarilin nitong Lunes ng umaga.

Nabatid na nagkakape sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang malapitang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek.

Tama sa ulo ang tinamo ni Parajas na sanhi ng agaran nitong kamatayan.