-- Advertisements --
Sen. Manny Pacquiao promoted to Army full colonel (file photo)

GENERAL SANTOS CITY – Nanumpa bilang brigade commander ng 2203rd Army Reserve Command si Sen. Manny Pacquiao.

Sa isang seremonya na ginawa sa Camp Herminigildo Agaab sa 1002nd Brigade Philippine Army sa Pulutana, Malandag, Malungon tinanggap ni Pacquiao ang hamon na pangunahan ang 2203rd Army Reserve Battalion na nakabase sa Isulan, Sultan Kudarat.

Pinuri ni Maj. Gen. Bernie Langub, commander ng Army Reserve Command nang tinanggap ni Pacquiao ang hamon na hawakan ang 2023rd Brigade na may mahigit sa 3,000 sundalo.

Dagdag pa nito, ang senador ang isa sa nag-sponsor sa Senado para mabalik ang ROTC.

Paliwanag ng opisyal, mabigat na trabaho ang sinuong ng senador subalit sa tulong ng mga reserve forces ay magiging magaan ang nasabing tungkulin.

Malaki umano ang maitutulong ng mga reserve forces sa pagbigay ng medical, civic at humanitarian assistance sa publiko.

Tinalakay din ni Gen. Langub ang importansiya at partisipasyon sa mga estudyante sa pagbalik ng ROTC sa mga Senior High School at estudyante sa kolehiyo.

Saksi rin ang mga opisyal galing sa iba’t ibang Army brigade at Division sa Mindanao.

Kung maalala una nang na-promote sa full colonel ang senador, ang tanging 8-division world champion, dahil sa malaking karangalan na ibinibigay sa Pilipinas.