GENERAL SANTOS CITY – Naglilibot ang mga guro ng Bula School of Fisheries, barangay officials, kasama ang ilang stakeholders sa mga kabahayan sa nasakupang lugar bilang pagsisimula ng pagbubukas ng klase.
Sinabi ni Redan Elipongga na namumuno sa Brigada Eskwela ng naturang paaralan na ang mga aktibidad ay bubuksan sa pamamagitan ng paglilibot.
Sinabi din nito na nagsimula ang mga aktibidad alas-6:30 ng umaga kanina kasama ang Local government ng Brgy. Bula, Joint Task Force Gensan, Bula Police station, Philippine Coast Guard at iba pa.
Ayon dito, bilang pagtupad sa kautusan ng Department of Education na gaganapin ang Brigada Eskwela mula Agosto 14 hanggang 18 ng taong ito.
Muli namang nilinaw na ipinagbabawal ang solicitation ngunit kung kagustuhan ng mga magulang na ibigay ito ay tatanggapin naman nia tulad ng semento, hollow blocks, pako, kahoy, pintura at iba pang materyales na magagamit sa pagpapabuti ng mga sira-sirang silid-aralan.
Napag-alaman na noong naranasan ang COVID 19, nawala ang brigada eskwela sa mga paaralan.