-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng Department of Education (DepEd) na hindi lamang paglilinis ang purpose ng nagpapatuloy na “Brigada Eskwela.”
Sinabi sa Bombo Radyo ni DepEd Usec. Tonisito Umali na target din ng kanilang programa na makita ang kahandaan ng mga paaralan sa panahon ng kalamidad, national emergency at iba pa.
Paliwanag ni Umali, mga paaralan ang madalas na ginagamit bilang temporary shelter sa mga panahon ng sakuna, kaya naglagay sila ng checklist para masukat ang kahandaan ng public schools.
Kasama sa mga ito ang malinaw na evacuation plan, emergency numbers, first aid kit at marami pang iba.