Nagbigay patikim ang award-winning Filipino filmmaker na si Brillante Mendoza sa kanyang pinakabagong pelikula at pinakaunang sports biopic na ‘Gensan Punch’.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa first and only Filipino director na nagwagi sa Cannes Film Festival, ikinuwento nito na hango ang pelikula sa totoong buhay ng isang Japanese boxer na may artificial leg, at tumatalakay rin umano ito sa iba’t-ibang kwento ng mga Pinoy boxers partikular sa General Santos City.
“It is based on a true story. It’s very inspiring kasi nakausap ko ang taong ito. Inincorporate ko dito yung struggle ng mga boxers dito sa atin, lalo na yung mga non-professional, yung mga starting pa lang, on how they really look at boxing, and tayo, in general, how the Filipinos look at boxing. Iba yung perspective natin pagdating sa sports. It’s not just about winning. It’s not just about personal glory.”
Samantala, ibinahagi rin ni Mendoza na kahit isang Japanese ang lead star ay hindi mawawala sa pelikula ang kultura ng mga Pilipino na lagi niyang ibinibida sa kanyang mga obra.
“Even if our lead character is a Japanese, from his point of view, nakita niya yung mundo. He saw this significance doon sa family ng mga nandito, and why they do boxing. Yung kultura natin, kahit mga Japanese pa yung gaganap sa pelikula, yung kultura ng Pilipino, dapat hindi siya mawawala, yung aspeto ng pagiging Pilipino natin. In everything that I do, I always try to incorporate that, and I think, as a Filipino filmmaker, it is important that we always acknowledge our roots.”
Inamin rin naman ng critically-acclaimed filmmaker na naiiba ang biopic sa lahat ng kanyang mga nagawang pelikula at looking forward ito na makumpleto ang proyekto bago matapos ang taon.
“This is the first time I’m doing a sports genre. This is a project I hope to finish before the end of the year, dahil may konting shoots pa kami dito sa Pilipinas.”
Pinagbibidahan ang pelikula ng Japanese actor na si Shogen, kasama rin ang mga Pinoy stars na sina Ronnie Lazaro at Beauty Gonzales.
Samantala, kamakailan rin ay nakuha ng SC Films International, isang UK distributor ang international rights ng ‘Gensan Punch’.