-- Advertisements --

Malaki ang tsansa ng Brisbane City sa Australia na maging host ng 2032 Olympic Games.

Ito ay matapos na sang-ayunan ng International Olympic Committee (IOC) executive board ang nasabing lungsod mula ng ito ay magsumite ng ng interest sa Olympic hosting noong Pebrero.

Nangibabaw kasi ang Brisbane sa ilang mga nakasabay nitong mga lugar gaya ng Indonesia, Budapest, China, Doha at Ruhr Valley sa Germany.

Magbobotohan ang mga IOC members sa darating Hulyo 21 sa susunod nilang sessions.

Sinabi ni IOC President Thomas Bach na ang bid ng Brisbane ay may malaking suporta at malaki ang posibilidad na manalo ito.