-- Advertisements --
Nagdiwang ang mga mamamayan ng Brisbane, Australia matapos na pormal ng igawad sa kanila ang hosting ng 2032 Olympic at Paralympic Games.
Noong pang Hunyo ay naging paborito ng bidder ang Brisbane ng International Olympic Committee executive board.
Ito na ang pangatlong beses na naghost ang Australia ng Olympics una ay noong 1956 sa Melbourne at pangalawa sa Sydney noong 2000.
Sinabi ni Prime Minster Scott Morrison na isang makasaysayan ang nasabing paggawad sa Brisbane at Queensland.
Nagsigawan ang mga delegado ng Brisbane sa IOC seesion sa Tokyo habang nagpakawala pa ng mga fireworks sa Brisbane.
Mismong si IOC president Thomas Bach ang nag-anunsiyo sa Olympic hosting ng Brisbane.