-- Advertisements --

Mayroong dalawang milyong doses ng Moderna Inc. COVID-19 vaccine ang binili ng Britain.

Bukod pa ito sa naunang 5 million na doses na binili mula sa US company.

Ang bagong deal ay isinagawa matapos na italaga ni British Prime Minister Boris Johnson si Nadhim Zahawi, isang junior business minister, bilang minister na responsable sa distribusyon ng COVID-19 vaccines.

Ang nasabing bilang sapat lamang sa 3.5 million katao sa nasabing bansa.

Tiniyak naman ni health minister Matta Hancock na mabibigyan ng bakuna ang mga nangangailangan.